CELEBRITIES: Music HUMOR: General

HUMOR: Para Kay Kuya Na Pinaasa (Top OPM 'Move On Na' Songs)

Sunday, August 21, 2016Traveliztera

Back by popular demand! Eto na naman tayo after 2 years!

CREDIT: ANG KWENTO NATING DALAWA (Film)

Ang post na ito ay para kay Kuya na naghahanap ng mga OPM songs dahil pinaasa siya. 

Ang tagal ko na kasi hindi tinitignan 'yung keywords na ginagamit ng mga tao para makarating sa blog ko, pero feel ko tignan lately, dahil napansin ko na ang daming nagpupunta sa blog post ko tungkol sa OPM Senti Songs. Nacurious lang ako ano ang ginagamit nilang keywords. 

Ito ang naging keywords nung isang bisita ko:



Hi Kuya. Ina-assume ko na isa kang Kuya, dahil may gut feeling lang naman ako. Kung mali ako, pasensya na, pero Kuya pa rin ang itatawag ko sa'yo. Ang post na ito ay para sa'yo. Bibigyan kita ng mga kanta na magpapa-senti sa'yo, pero matutulungan ka. Hindi ko alam kung bakit gusto mo malunod sa mga kantang magpapaalala sa'yo na pinaasa ka, pero siguro gusto mo munang namnamin ito bago ka makapag-move on. Matutulungan kita dyan.

Para maiba, bibigyan kita ng mga kanta na sasabayan ka sa pagmomove on. Idaan muna natin sa kalungkutan tapos pupunta tayo sa kasiyahan at pag-asa. Bawal po ang bitter sa blog na ito.


1)  "WALANG HANGGAN" by QUEST

"Kasi sabi mo walang hanggan / Ba't merong dulo?
Ibibigay ko ang lahat paulit ulit / Bawat pagkakataon ay aking isusulit/ 
Basta matalikuran mo yung dulo/ 
Ang sabi mo walang hanggan / Ba't na'ndito tayo sa dulo?
Bakit ba biglang meron tayong dulo? / Pangako mo walang hanggan/
Bakit nandiyan ka sa dulo? / Pwede bang kalimutan mong may dulo?/ 
Akala ko walang hanggan / Pero eto tayo sa dulo."


Naging viral ang kanta na ito ngayong week. Siguro maraming nakarelate. Para ito sa mga nabigyan ng promise na may forever sila, tapos binawi. Sa kanta na ito, handa niyang tiisin at ayusin lahat, basta lang hindi nila maabot ang dulo. Paulit-ulit niyang tinatanong bakit nasa dulo na sila, dahil umasa siyang ang pangako ng walang hanggan ay kayang panindigan, pero ayun na nga, pinaasa lang. Harsh masyado siguro itong kanta na ito para sa'yo, Kuya, kaya isang beses mo lang ito pakikinggan a. Or isang beses in slow motion for 1 day. Joke. Ito 'yung kantang pakikinggan mo para ibuhos lahat ng mga tanong at emosyon, tapos move on - move on ka na with the following songs. Smile na! =)

2) "HULING SAYAW" by Kamikazee feat. Kyla

"Paalam sa'ting huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw"



After mo magtanung-tanong sa mga bagay-bagay, siguro gusto mong sulitin ang lahat bago kayo maghiwalay nang tuluyan. Baka gusto mo makipagkita "one last time", tapos let go na. Ito ang kanta para sa'yo. Tinatanggap mong huli na talaga iyon at kailangan nang move on -move on. Pero for now, i-eenjoy niyo muna ang mga huling memories ninyo, bago kayo tuluyan nang maghiwalay. (Shoutout kay Aris Olea na nag-introduce ng kantang ito sa mundo.)

3) "BEFORE I LET YOU GO" by Top Suzara & Aia De Leon

"Before I let you go, I want to say I love you...
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby...
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah...
So before I let you go
I want to say I love you..."



Winner 'yung part na "And I know that no one else will doohh..." Haha. Kapag sa Google mo nga naman hinanap 'yung lyrics noh? 

Anyway, Kuya, ang kanta na ito ay ang last few lines mo para sa kanya, pagkatapos ng inyong "Huling Sayaw". Last sweet words. May iba na ayaw na magsabi ng mga matatamis na salita bago maghiwalay para hindi sila masaktan dahil natatakot silang mag hold on, pero good karma and love and peace lang dapat, kaya sabihin mo na lahat ng gusto mo, then let go. Kung wala siyang masabi, at least alam mong good vibes ka lang. Pak. Ganern.



4) "SOMEDAY" by Nina

"Someday you're gonna realize
One day you'll see this through my eyes
By then I won't even be there
I'll be happy somewhere even if I cared
Cause, someday, someone's gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday, someone's gonna take your place
One day I'll forget about you
You'll see I won't even miss you
Someday, someday"


Ito 'yung phase na medyo galit ka pa. Siguro may mga tanong ka pa. Ito 'yung kanta ng mga taong nagmomotivate sa sarili nila na makakahanap sila ng mas okay. Medyo negative ang kanta na ito, pero kelangan mo siguro itong pakinggan para ilabas mga galit mo. Pero huwag kang mag-stay sa stage na ito. Once na nailabas mo na lahat ng galit mo, gagaan loob mo, at mapapatingin ka sa brighter side. Remember: Huwag magtanim ng galit. Kung may natanim, bunutin mo at itapon. Tapos isipin mo na dapat you're planting love and forgiveness. Start wishing her well, Kuya. Forgive her, and forgive yourself. Pak. Ganern dapat.


5) "LUHA" by Aegis

"Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit nang ikaw ay yakapin
Naglalaho sa dilim
Ninais kong mapalapit sa'yo
Ninais kong malaman mo
Ang mga paghihirap ko
Balewala lang sa'yo"



Ito. Ito ang classic song na kinakanta kahit saan-- sa karaoke, sa comedy bar, sa TV show, sa mga pelikula, etc. Naging musical na nga eh. Kinakanta ito ng mga nagdaramdam pa. Minsan, kinakanta nila ito pang-laughtrip sa sarili nila. Ikaw na ang bahala kung paano mo ito gagamitin, Kuya.

6) "SET YOU FREE" by MYMP

"If loving you is all that means to me
When being happy is all I hope you'd be
Then loving you must mean
I really have to set you free"



Ito siguro 'yung Acceptance Stage. Naiintindihan mo na... Na kung mahal mo, baka kailangan mo na talaga siyang palayain. Tinagalog ko lang 'yung lyrics.


7) "RAINBOW" by Southborder

"Say goodbye, say hello
To a lover or friend
Sometimes we never could understand
Why some things begin then just end
Even if there is pain now
Everything would be all right
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me
There's a rainbow always after the rain"


Ito ang pampakalma na kanta para paalalahanin ka na may magandang mangyayari pa rin pagkatapos ng lahat ng pagsubok. May rainbow nga. MAY RAINBOW! Pero bakit may SNOW SA VIDEO!?

8) "BLUE SKY" by Hale

"Rain will keep on pouring
Some things you can't control
And while the sun seems far and hard to hold
It will unfold
Coz there's a blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow shining and shimmering
A blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow
Maybe it's all we need"



Katulad ng sabi ng Southborder, may RAINBOW pagkatapos ng RAIN (and SNOW). So, ang sabi ng Hale, ya know, may BLUE SKY after ng lahat. May rainbow ka na, may blue sky ka pa! O ansabe!? Ngiti na Kuya. Nagiging okay na ang lahat!


9) "WITH A SMILE" by Eraserheads

"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye"



Another OPM classic. Feel good music. Reminder music. Ano ang reminder? Na nagiging okay na ang lahat. Ngumiti ka lang. After ng lahat ng nangyari sa'yo, nakaya mo lahat, Kuya! Oras na para magsaya at magpatuloy sa buhay mo.

Ngayon, tandaan mo Kuya, na ngumiti ka lang, kasi...

10) "LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAYS" by Nina

"Love moves in mysterious ways
It's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days"


Hayaan mo lang si God, Kuya. God and Love move in mysterious ways. Hindi mo alam ang surprise sa'yo.


At minsan, Kuya, either maaayos mo ang nakaraan dahil siya talaga ang THE ONE...

11) "MAYBE THIS TIME" by Sarah Geronimo


"Two old sweethearts who fell apart
Somewhere long ago
How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more
Than reminiscin'
Maybe this time
It'll be loving they'll find
Maybe now they can be more
Than just friends
She's back in his life
And it feels so right
Maybe this time, love won't end"


Kung napanood mo ang movie na ito, masasabi ko na ito ang movie na nagsasabing "May Bukas Pa" at may "Tadhana". Congratulations! Alagaan mo nalang ang ibinigay sa'yong pangalawa, pangatlo, o pang-100 na pagkakataon! Ngiti na 'yan! Siya pala talaga ang THE ONE at nasa maling oras lang pala dati ang inyong pag-ibig.

...or makakakilala ka ulit ng bago na magbubukas ng kaisa-isang kabanata ng iyong Pag-Ibig, dahil SIYA na pala talaga ang THE ONE...

12) "IKAW" by Yeng Constantino

"Ikaw ang pag-ibig na hinintay 
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
 Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay 
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko 
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw"





Yihee, Kuya! Ibinigay na sa'yo ni God ang THE ONE! Kapag kinasal kayo, balitaan mo ako a. Balikan mo itong blog ko at magpakilala kayo ng THE ONE mo. =) Smile na! Sana nakatulong ang post na ito. Good vibes lang dapat!


You Might Also Like

0 Travelers with Comments. Click to comment!

Feel free to leave your thoughts!

Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.