Celebrities: Philippines HUMOR: General

Wowie - Juday at Ang Buwaya - A 2008 Blog Post

Sunday, January 05, 2014Traveliztera

BABALA: Ang susunod na blog post ay nanggaling sa isang lumang blog ko. Ito ay isinapubliko noong Abril 16, 2008. Enjoy my style of writing back then! :P

---


Nasa loob ako ng isang kuweba na sobrang lalim. May umaagos na tubig at isang tawiran na gawa sa tali. Gusto ko sanang humuli ng buwaya... 

Iyon na nga ata ang pakay ko sa aking paglalakbay papunta sa isang lugar na parang ipinagsamang Moria at Bridge of Khazad-Dum (... LORD OF THE RINGS po ... ).

==Teka... Nahihirapan na atang makaintindi ang isang kaibigan kong nagbabasa rin ng blog na toh na hindi masyadong nakakaintindi ng tagalog. HAHAHAHA. Fine. ==

So ayun nga... Pumunta ako sa gitna ng bridge at ihinagis ang malaking net. 

May naramdaman akong buwayang napadaan pero hindi ko siya nahuli. 

*BACKGROUND MUSIC BULAGA* 

Biglang may tumakbo mula sa malayo. 

Slow motion pa nga 'eh... 

Parang eksena ni David Hasselhoff sa Baywatch. 

May hawak siyang isa pang net at patakbong lumapit sa akin. Hahahaha ayos a... 

Sa likod niya ay may isang dilag. 

AYOS! Pamela Anderson naman ata role niya pero palpak ata eksena niya kasi hindi siya tumakbo. Naglakad lang siya at hindi pa slow motion. 

Paglapit nila... BULAGA! 

SI Wowie at si Juday in their 90's look. 



AYOS! 

Hindi ko alam bakit sila 'yung nasa panaginip ko pero mukhang may ipinahihiwatig ang utak ko sa'kin. Fan nga ba nila ako? HAHAHAHA! ANYWAY!

Itinuro ni WOWIE sa'ming dalawa ni JUDAY ang tamang paghuli sa buwaya. Nakahuli kami pero may isang army na dumating. Dahil dito, hindi namin naituloy ang paghuli sa buwaya. Siya ay nakawala! 

Nag-disguise raw ako bigla... 

NAGING BUTIKI ako. 

Hindi ko rin alam ang dahilan bakit naman sa lahat ng pwedeng maging anyo ko ay naging butiki pa ako. 

So dumating ang batalyon ng sundalo na mukhang TERRACOTTA ARMY noong unang panahon. 

Ayos... Nawala sina JUDAY AT WOWIE.


OO... 'YUN ANG PANAGINIP KO.



Pagkatapos ng panaginip na ito, nang ako'y nagising... (ITONG PART NA TOH, TOTOO NA TALAGA... )


... binuksan ko ang TV at TV PATROL na! Isang lalake ang nakagat ng buwaya at nang sumunod na araw, may nakagat ulit ng isa pang buwaya. May kinalaman kaya ito sa panaginip ko? Hindi ko kasi nahuli 'yung buwaya sa panaginip ko kaya baka ganon na nga... hehe



ANYWAY...


Nung bata ako, natatandaan ko na isinama ako ng kasambahay namin sa sine para makapanood ng pelikula nina WOWIE AT JUDAY na ipinamagatang "MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG"... 

8 years old lang ako no'n. 

Malaking impluwensya ang nagawa ng aming kasambahay. 

Naging fan na ako ng tambalang iyon. 

Kapag pumupunta kami sa bakery ng kasambahay namin, bumibili ako ng WOWIE AT JUDAY text cards. 

HAHAHHAHAHAHAH! NATATAWA NA AKO NGAYON! 

Simula noong araw na iyon, patuloy na akong nanonood ng mga pelikula nina WOWIE AT JUDAY. Hahahaha! 

Hanggang ngayon, natutuwa akong makita ang mga luma nilang pelikula. 

Hindi na ako fan ng bagong WOWIE at JUDAY... 

Fan ako ng tambalang ito nang sila ay bata pa. 

Wala lang. Gusto ko lang i-share. Bakit ba? 

Aminin niyo na... Sinubaybayan niyo rin sila! =p

CUE MUSIC!

You Might Also Like

3 Travelers with Comments. Click to comment!

  1. OMG meron ka pang Carlo Aquino fan site tapos may Jolina Marvin pa diba? Bata ka pa, showbusiness na inaatupag mo LOL. Sinong love team lang ba ang hindi mo sinuportahan LOL!

    ReplyDelete
  2. haayyyyy na-miz ko ang wowie-juday love team... astig ang panaginip mo. aminin mo na, fan ka nila!

    ReplyDelete
  3. solid pa rin ako sa wowie-juday. tapos rico-juday. nung si piolo na, diko na naging feel noon. may nasense kasi akong kakaiba. aaaaw!

    ReplyDelete

Feel free to leave your thoughts!

Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.