Celebrities: Philippines Personal

Dear Kuya "Eagle" & His Response Through His Show, "Easy Lang Yan"

Friday, April 19, 2013Traveliztera

Dear Kuya Eagle,

Bata pa lang ako, paborito na kitang panoorin sa TV. Hanggang ngayon, kapag nakikita ako ng mga pinsan ko, binabanggit nila pagiging super fan ko dati, dahil witness sila sa pagiging biggest Eagle fan ko.

SOURCE: Eagle's Facebook Page


Tatlong taong gulang pa lamang siguro ako noon nang makita kita sa Teysi Ng Tahanan. May cooking portion ka noon kung tama ang pagkakaalala ko. Nagkaroon pa kayo ng special episode noon kung saan kailangan niyong gumawa ng drama episode. Hindi ako sigurado pero nandoon din ata si Eula Valdez. Basta nalungkot ako noong sinaksak ka ata...  Hindi ko maalala... Hindi ko alam paano ka namatay, pero ang alam ko e isa itong krimen. Natrauma ako, promise. Affected ako sa pagkamatay mo sa episode na 'yun.


"Teysi ng Tahanan" with Tessie Tomas
SOURCE: TodoSaBongga

Sinundan na kita simula noon hanggang dumating ang panahong kailangan ko nang pumasok sa paaralan, at ibig sabihin noon ay hindi na kita mapapanood sa TV, dahil tuwing umaga lang ang Teysi ng Tahanan. Syempre, masaya ako kapag bakasyon. Ibig sabihin, mapapanood ulit kita. Naalala ko pa noong nakita ako ng pinsan kong nakabakasyon sa amin na tumili ako noong nakita kita ulit sa Teysi ng Tahanan. Hindi niya makalimutan 'yun, kaya lagi niya akong tinatawag kapag nasa TV ka

Ganoon naman talaga kasi ang fan 'di ba?


Imaginin ang batang ito na super fan ni Eagle.
Ang batang fan ni Eagle. 6-year old Steph.

Laking tuwa ko nang napasama ka sa cast ng Mara Clara. Naalala ko pa noong kailangang ma-miss ko ang isang episode dahil umalis kami. Buti nalang at may TV doon sa office na tinambayan namin habang naghihintay sa kung ano man ang appointment noong mga oras na 'yun. Buo na naman ang araw ko. Masaya ako na nakita pa rin kita sa MOVIE version ng Mara Clara. 


Mara Clara!
SOURCE: Wikipedia

Tapos nakita ulit kita sa Mula Sa Puso. Grade two na ako noon pero ang saya ko pa rin!


SOURCE: TV Series Craze

Syempre, naaalala ko pa ang "Sang Linggo nAPO Sila". Ang show bago dumating ang MTB at Wowowee. At matagal kong hiniling na sana sa Baranggay naman namin kayo dumaan para sa Pidro Shirt na pinamimigay mo. Kaso hindi talaga kayo napapunta sa Baranggay namin. - sad face - Pero dumadaan ako lagi sa Pidro Shirt booth sa mga malls dati noong bata ako, kasi alam kong ineendorse mo 'yun...

SOURCE: Wikipedia 

Matagal din kitang hindi nakita sa telebisyon. Hanggang sumaya na naman ako nang napanood ko ang Petrang Kabayo. Talagang kita ang laki ng ngiti ko. Sumunod pa nang pinanood ko ang Praybeyt Benjamin sa eroplano nang umuwi ako sa Pilipinas. Muntik na akong tumili nang makita kong nandun ka na naman! Pinanood ko rin ito pabalik dito sa Australia. 


Ang bongga mo sa poster!
SOURCE: Viva Films

Alam ko pong nais niyo laging maglingkod sa mamamayang Pilipino. Kahit malayo na ako sa Pilipinas, sinusundan ko pa rin sa UNTV Web ang latest mong public service TV SHOW: Easy Lang Yan. 

SOURCE: Easy Lang Yan's Facebook Page


Maraming salamat po sa pagpapasaya niyo sa amin!
Good luck and sana po more blessings pa sa inyo!

Nagmamahal,
Steph

P.S. Marinig ko lamang boses niyo, alam kong IKAW NA YUN KUYA EAGLE! hehehe!
---


Ayun lamang po. Gusto ko lamang ikwento sa inyo ang pagiging fan ko simula noong bata pa ako. Masaya ako sa mga narating ni Kuya Eagle... Proud na proud ako!!! =)

O nood na rin kayo para makita niyo bakit love na love ko si Kuya Eagle!



---
UPDATE:
Kuya Eagle read and replied to my letter on his show last Tuesday! :) Here is the video where he responded to my letter on last April 30's episode.


You Might Also Like

17 Travelers with Comments. Click to comment!

  1. haahahah... natatawa ako sa pagiging fan mo.. parang stalker na ata ang level.. hehehe... nasa unang hirit din siya noon.. tas sa iba pang mga soap opera na si wenn deramas ang director.. hehehe

    ReplyDelete
  2. Nakakatuwa naman at uber fanatic ka talaga niya... Ngayon ko lang yata nalaman na may avid fan pala si Eagle... Diba nasa Ready Get Set Go din siya na dating show sa ABS?

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo !!! nakalimutan ko na banggitin hahaha! kasama sina patrick pa yun... asan na kaya yun??? haha! uyyy stalker ka rin pala ni Eagle!!!

      Delete
  3. hehehe yung segment sa teysi ng tahanan parang "Kung maibabalik ko lang" ang title.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow... Eagle fanclub classmates ba tayo??? Maraming salamat sobra ! Naalala mo rin pala na may gano'ng drama portion... Galinggg!

      Delete
  4. Replies
    1. I ammm, I ammmm! and you're a kumagcow!

      Delete
  5. hi dear! thank you for the comment on my blog, I'm a new follower and I'd love it if you followed back :D I dont know kuya Eagle but he seems like lots of fun to watch, maybe I'll catch him on TV soon :D

    http://steph-g.blogspot.com/

    ReplyDelete
    Replies
    1. He's really fun to watch! :) Thank you for your comment and for your follow. I've already followed you too! :) <3

      Delete
  6. hahaha.. ang galing! yung iba ang pagiging fan mga 1 yr lang. sayo gat paglaki mo fan ka parin. hehehe. Napapagkamalan ko lagi si Eagle at si John Lapus. hehehe. D ko ma differentiate. Or baka dahil d ako masyado nanunuod ng tv?

    ReplyDelete
    Replies
    1. touched naman ako na naconsider akong long-term fan hehehe thank you :)
      talaga??? namimix mo sila? hehehe oo baka kelangan mo lang manood pa ng KrisTV at Easy Lang Yan hehe!

      Delete
  7. Nice! good thing na reremember mo pa talaga na since childhood talagang fan ka na...never ako naging fan talaga...:) Sana ma meet mo sya..:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha fan din ako ni jolens-marvin hahaha thank you sana nga mameet ko siya pag uwi ko ulit ng pinas :)
      <3

      Delete
  8. i mean dumaan na ang mga panahon may one diretion na pero ikaw si pareng eagle pa rin ... naks namn! namangha lang ako pramis!

    ReplyDelete
  9. Haha grabe fan ka pala ni Eagle ikaw pa lang ata ang kilala kong fan nya jk. Nakkaatuwa si Eagle pero yung boses nya talaga, hmm unique. What if magising ka isang umaga kaboses mo na sya?

    ReplyDelete
  10. ang kulet hehe ayos. swerte ni eagle
    http://www.thegirlwiththemujihat.com/2013/05/can-i-get-hair-rebond-after-6-months-of.html

    ReplyDelete

Feel free to leave your thoughts!

Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.