Inspiration Life

Tutita Ka Ba?

Friday, September 07, 2012Traveliztera

Minsan, may mga araw talaga na macucurious ka kung saan ka dadalhin ng mga ginagawa mo ngayon...

Mapapatigil ka nalang sa gitna ng marami mong ginagawa, tapos maiisip mo lahat.

Maaaring mamroblema ka lalo o maaari ring hindi ka na makapaghintay dahil may "excitement" ka nang nararamdaman.

Sabi nga nila, kung mamimili ka na nga lang sa hindi mo pa alam, bakit hindi mo nalang piliin ang mas may magandang maidudulot sa'yo na pakiramdam? Hindi mo naman alam kung ano talaga ang mangyayari eh... Kung mamomroblema ka lang sa wala, eh mas mahuhuli ka pa sa mga bagay na sana ay makakatulong pa lalo sa ikabubuti mo... Imbis na nagagawa mo na ang mga bagay na mas lalong tutulak sa iyo sa pag-abot ng iyong pangarap, inubos mo na sa panahong tumigil ka, at nag-isip nalang ng lahat ng maaaring maging dahilan bakit hindi mo makakamit ang gusto mo...

Kaya kung mamimili ka, bakit hindi mo nalang piliin ang maging masaya, kesa nag-iisip ng mga problemang wala pa naman?

Wala lang...

Tignan niyo aso ko... Kahit hindi na makatayo at makatakbo sa sobrang bigat ng katawan niya, takbo pa rin nang takbo. Ayun, tumatakbo na siya nang mabilis. Takbo nang takbo. Naguguluhan ka na ba kung seryoso itong post na ito o hindi? Depende 'yan sa mood mo ngayon... =) Ipinakikilala ko si...




TUTITA ... Ang Maliit na Tuta
Tutita kasi maliit na tuta siya dati e. Natatakot na ang mga kaibigan ko sa kung anong pangalan ang ibibigay ko sa magiging anak ko sa takdang panahon.


Panoorin ang kanyang pagtalon kahit na hirap na hirap na siya. Never lose hope nga raw.

You Might Also Like

4 Travelers with Comments. Click to comment!

  1. cute ni TUTITA idol ! haha..

    tama mas magandang piliin mo nalang na maging mas masaya kesa mag isip ng mga problemang wala pa naman... parang ako... iniisip ko nalang na mananalo ako sa lotto kesa problemahin ko ang pantaya at kung anong numero ang itataya ko.. lol ang gulo ko XD

    ReplyDelete
  2. Tama ka naman eh, imbes na mamroblema ka eh y not choose to be happy na lang....hayaan na lang mamroblema ang problema sa'yo ang gulo lang haha!

    Tutita seems so happy in that pic btw...

    ReplyDelete
  3. haha ang cute ni tutita parang nakasmile siya. at maganda naman yung name ah. =D

    ReplyDelete
  4. ayos lng magisip minsan. wag lang sobra. KAsi sa pagiisip dun tayo nakakagawa ng desisyon kung saang daan nga ba ang dapat nating puntahan. ang gulo ko ata .. hahaha

    irresistable si tutita ...

    <3

    ReplyDelete

Feel free to leave your thoughts!

Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.