Personal

GLENTOT of WICKEDMOUTH - BIRTHDAY BASH!

Thursday, May 19, 2011Traveliztera

To all my foreign readers, this post is in Tagalog, so I am deeply sorry. However, may I introduce to you the wonderful Glentot of Wickedmouth.com ? He's amazing. He has a wicked mouth.

I am so honoured to have met this famous star last October 2010. 


Basically, he is asking for a testimonial on his blog right now. I was planning on making a blog post about him (which I'm doing right now), but I almost made a long post as a comment to his BDAY entry there... So... I'll just use that and just add some bonus stuff. Muhahaha!



Friendster? Ikaw nagpauso non noh? Haha ! Anyway... HAPPY BDAY ulet glen! Marami akong gustong sabihin sayo...



Ang samahan natin... kakaiba e...



Suplado ka. SUPLADO! Hahahah SUPLADO na naging mabait. :P



Nakikita ko na si Glen na umaali-aligid sa mga blogs nina Jepoy and nadalaw ko na blog nya before. Natakot ako mag-leave ng comment ... Nakakatakot siya e. Parang... wicked. Pero nung nakita ko si Glen sa blog ni Kikilabotz, nagcomment siya at hindi ako sure kung sinabi niya na kamukha ko raw si Miley Cyrus pero basta may comment siya sa picture ko na naging dahilan upang magkaroon ng icebreaker. Dumalaw ulit ako sa blog ni Glen at nag iwan ng comment. Bumalik din siya sa blog ko pero yung mga comments niya e--SUPLADO. HAHAHA! :P Pero sa bagay, neutral nga naman kasi nung mga panahon na yon--serious blog pa ako kasi nga nasa weightloss process pa yung utak ko.



October 2010. Nagkataong may bloggers meet-up sa MOA at napakagaling ng tadhana dahil dun din punta namin ng mga pinsan ko galing airport. Sabog pa ako kasi buong gabi ako nag-edit nung Telephone nga na video ko na nilait-lait ninyo. :P Joke lang. Pero yun nga, literal 15mins lang ba tulog ko non (?) o kung tumagal man, medyo gising-tulog-gising pa rin. Tapos, napadaan ako kena Jepoy. Starstruck ako sa kanila pero eto...Hwaw. Nagulat ako nang nakita ko si Glen dun at laki ng tuwa ko na nakita ko siya. Kasi sikat nga siya e. STARSTRUCK me kasi ito ung sikat na SUPLADO nga. Tapos ... DI NIA AKO KINAKAUSAP. DI NAGSASALITA. Si Jepoy lang salita nang salita. Given naman na yun. Makita mo ba naman toh (CLICK MO PARA MAGULAT) syempre d ka na magugulat na madaldal si Jepoy. Sa sobrang daldal ni Jepoy, mukha na kaming The Buzz at naging audience si Kumagcow, Glentot, Oliver, Jag, Rico, at Xprosaic.


Audience na audience. Kasama ko si JePoy Abunda.


 O tapos ayon nga. The following week, akalain mo yun???  Nung nagkakitaan kami ni Gasul at ang iba pang Generation Greenies, nagulat ako biglang may nakatinging supladong ngumingiti sa pila ng Coffee Bean habang naglalabas ako ng sama ng loob sa kasama kong nagngangalang si Chie. Bumubungisngis sa tabi. Parang may nilalang na nakatitig. Take note: HINDI SIYA AWARE NA ANDUN DIN SI GASUL HAHA KATAWA! Sabi ko pa kay Glen "Andito ka rin!? Bakit ka nandito!?" Hindi niya talaga alam na nandun si Gasul. Haha! Destiny. Ayun o!



Pagkatapos ng lahat ng iyon at pagkatapos na magkausap kami sa Twitter non--nakalimutan niya recently na magkatwitter pala kami. Galeng noh? Tapos nag-die down usapan namin until December came and naging mas close kami dahil sa chats naming malalem. Yung tipong pinaguusapan namin mga tao2x tulad ni Jepoy. O di ba? Haha. Namiss ko bigla!!! Ambilis pala ng panahon noh?



Tapos...magkatext kami niyan pag nasa byahe siya para sa Baguio escapades niya tapos pinag-uusapan lang namin si Jepoy. Mas nakakulitan ko siya nang maumpisahan namin ang TOP SECRET PROJECT namin. Ayown. At ngayon, close friend ko na siya.



I think kaya lang kami naging close e kasi nakita niya ang makulit kong side. Malayo sa tono ng blog ko. Pero alam niya naman 'yung kasaysayan ko sa pagba-blog. Makulit naman talaga kasi ako mag-blog. Kaso dati, may tema talaga tong blog ko. Pero salamat sa mga kakulitan ninyong lahat, medyo kumukulit na rin itong blog ko. Mukhang unang kalokohang blog ko nga eh tungkol sa kanya--at eto na ata yun. Muhahaha !



HAPPY BIRTHDAY GLENTOT! MABUHAY KA ! MAHAL KA NAMIN! :)



P.S. HINDI KO MAKAKALIMUTAN YUNG PAG-COMMENT NIYA SAKIN NG SOBRANG HABA!!! Chinallenge ko at tinanggap niya. Ayun... Sinagot niya isang post ko POINT PER POINT--basta ba ma-prove lang niya na hindi siya skipreader--SA POST LANG NA YUN. :P Hahaha! Joke lang. Ingat pre. Fan mo ako. :P



P.S. AGAIN Birthday Bash talaga. BASHED KARITO. :P



ANOTHER P.S. -- THE TOP SECRET PROJECT

I am proud to have collaborated with Glen on this song... I am honored that he chose me to sing this original composition by the man himself and his friends. The musical arrangement? GLEN HIMSELF AGAIN. Can you believe how talented this man can get? 


This song, by the way, is dedicated to his friend, Caloi... I sang the song with that in mind... 

Caloi, you are still remembered...




You Might Also Like

15 Travelers with Comments. Click to comment!

  1. Generation Greenies talaga? I feel so old. LOL! Nagulat din ako nung nakita ko si Glentot sa CBTL. First time ko siya nakita in person nun. HABERDEY GLENTOT!

    ReplyDelete
  2. Thank you Steph this put tears in my eyes... hehehe...

    All I asked for was a testi... as always nag-stand out ka uli and went beyond a testi... Hindi ko na-expect na mag-eeffort ka ng ganito heheheh... Thanks for couting me in as one of your close friends!

    At hindi ako suplado, ako ang na-star struck!!!!!!!!! At quiet lang naman talaga ako, lalo kung icocompare mo ako kay Jepoy nyahahaha...

    Again thank you! This post made my day extra-special! I never asked God for any gifts, instead He gave me a lot of friends who made me fee loved. Thank you!!!!!

    ReplyDelete
  3. ang sweet mo naman palang maging kaibigan... Friend na tayo? LOl

    Happy Beerday kay Glentot

    ReplyDelete
  4. gusto kita murahin glenglenn kaso blog ni steph to LOL

    ReplyDelete
  5. Sige glentot ikaw na umeenglish ng comment kay steph... lels... happy bday ulit... lels kahit blog to ni steph ... lels

    ReplyDelete
  6. talagang ni link pa... LOL FIne!!!!

    Hindi na dapat pinag aaksayahan ng page ang bansot na yan. Aheyret! LOL

    ReplyDelete
  7. ang sweet naman ni steppy!!! at kay glentot happy birthday!!!! yehey!! painom na!!!

    ReplyDelete
  8. Nakakahiya na talaga sa superstar Glentot. Haha. Ginagawan ng post ng mga bloggers. Haha. Happy Birthday.

    ReplyDelete
  9. bakit generation greenies?

    Naks, hindi lang testi, special blog post ang gift mo kay glen

    Happy birthday kay glentot. eheeh.

    ReplyDelete
  10. hang sweet mo naman pareng steph..kaw na! hahahaha.. ^_^...happy birthday din sayo boss glentot...

    ReplyDelete
  11. Bakit Greenies?? Sana makasama din me sa mga EB niyo,, dun sa isang pic, as in si John Lloyd ba iyon?? LOL. JUKKKK lang! Kamukha pala talaga niya si Lloydie ... Ahahahahah!

    Dapat sa bday ko isang matinding testes, este, testi din for me! LOL. Demanding na follower lang me ...

    ReplyDelete
  12. hahahaha, Glentot is going gaga! He is famous huh.. Masuntok nga to! hehehehehe.. You might be more honored if you will meet me. Hot and sexy, hehehehe. Joke..

    ReplyDelete
  13. Sana magkaroon din ako ng pagkakataon na maka-meet my fellow bloggers.

    Your blog is interesting... Added you!

    Happy blogging, ROY.
    www.abdul-hakeem.com

    ReplyDelete

Feel free to leave your thoughts!

Don't forget to click "SUBSCRIBE BY EMAIL" below the comment box to get notified if you received any replies from other commenters.